Opisyal nang inilunsad ng Department of Agriculture Kadiwa ni Ani at Kita.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness Kristine Evangelista ang proyekto ay inilunsad nila dahil sa malaking paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa palengke.
Sinabi ni Evangelista na isa ang nasabing proyekto sa mga paraan para bumaba ang presyo ng agriculture commodities sa mga pamilihang bayan dahil mabibili rito ang mga sariwang gulay, prutas at karne sa murang halaga.
Ang DA Kadiwa sa agribusiness development center sa harap ng DA building sa Quezon City ay bukas sa publiko tuwing araw ng Biyernes.