Binigyan diin ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng pagpaplano ng malalaking proyektong pang-imprastraktura para mas maging kumpiyansa na kakayanin ng bansa ang pagdaan ng mga kalamidad.
Ito’y matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Rolly sa Bicol region.
Ayon kay Robredo, mahalagang matutukan ng pamahalaan ang paglalaan sa mga proyektong magpapagaan o magbabawas ng posibleng pinsalang matamo ng mga lugar sa bansa sa pagdaan ng mga kalamidad.
Importante aniya rito ang koordinasyon sa pagitan ng national at local government upang matukoy kung ano ang kinakailangan o angkop na impratraktura para sa kanilang lugar.
Sinabi pa ni Robredo na matapos ang mahigit P14-B halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Bicol ng bagyong Rolly, dapat nang maging prayoridad ang pagpapalikas ng mga residente sa iba pang itinuturing na danger zone sa bansa.