Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga proyektong pang-imprastraktura na layong maiwasan muli ang pagbaha sa Marikina at Cagayan na naranasan nuong Nobyembre sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Kasama ang kaniyang mga gabinete, inaprubahan ng pangulo ang mga rekomendasyon ng “Build Back Better” Task Force na siyang responsable sa typhoon rehabilitation efforts ng pamahalaan.
Ilan sa mga tinukoy na rekomendasyon ay ang pagtanggal ng 19na sandbars sa Cagayan River, pag-alis ng mga iligal na istraktura sa Marikina River at ang pabilisin ang panukalang flood mitigation project ng DPWH.
Magugunitang nuong Nobyembre, nakaranas ng matinding pagbaha ang mga residente sa Marikina at Cagayan kung saan na-trap ang mga ito sa bubong ng kanilang bahay habang naghihintay ng rescue.