Aminadong gumamit ng presidential powers laban sa ABS-CBN si outgoing President Rodrigo Duterte.
Ito ay upang hindi makapag renew o mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.
Sa naganap na Oath-taking ceremony, sinabi ni Duterte na gumamit siya ng kapangyarihan para hindi pagbigyan ng kongreso ang largest network sa bansa dahilan para maglabas ng “Cease and Desist Order” ang National Telecommunications Commission (NTC) noong May 2020.
July 2020 nang ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN matapos magkaroon ng botong 70-11 dahil sa hindi umano pagbabayad nito ng buwis.
Nabatid na ilang beses nang nilinaw ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang nilabag ang naturang network sa kahit na anumang Corporate Laws at nagbabayad ito ng regular na buwis.
Matatandaang unang nagbanta ang pangulo tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN noong April 2017, dahil hindi umano inere ang kaniyang presidential campaign ads noong 2016 kahit nakabayad na ito.
Aminado naman ang nasabing network sa maling nagawa kaya agad silang humingi ng tawad at nangakong ibabalik ang ibinayad ng kampo ni Duterte.