Suportado nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go si Senador Manny Pacquiao sa nalalapit na laban nito kay Errol Spence, Jr.
Tiniyak ito ni Go sa kabila ng mga alegasyong katiwalian ni Pacquiao laban sa gobyerno at isyu sa pagitan nito at ng ilang lider ng PDP laban.
Sinabi ni Go na nais nilang manalo si Pacquiao dahil isa na naman itong karangalan sa bansa.
Nananatili aniya silang magkaibigan ni Pacquiao sa kabila ng mga isyu at hindi aniya siya banta sa planong pagtakbo ng kapwa Senador sa pagka-Pangulo dahil hindi siya interesadong sumabak sa 2022 national elections.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)