Inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Richard Gordon sa pagpupursige nito bilang Senate Blue Ribbon Committee Chairman na imbestigahan ang COVID-19 response funds ng Department Of Health.
Sa kanyang talk to the nation, iginiit ni Pangulong Duterte na nagpapa-pogi lamang si Gordon sa imbestigasyon dahil may plano itong kumandidato sa 2022 national elections.
Investigation and legislation or in aid of your personal political interest. I heard that you want, to run for Vice-President next year and you are trying to impress the opposition that they would consider, ″pahayag ng Pangulong Duterte.
Inakusahan din ng punong ehekutibo si Gordon na ginagawang “gatasan” ang Philippine Red Cross o PRC na pinamumunuan nito para sa pansariling interes.
Alam mo ginagamit mo itong red cross, I either say na talagang ginagamit mo ito para sa eleksyon, ito yung milking cow mo sa totoo lang. You have been there for a quiet time , para mahinto na ang ginagawa mong kalokohan,″wika ng Pangulong Duterte.
Binanatan din ng Pangulo ang hindi umano makataong paniningil ng PRC sa swab testing at ang banta ng nabanggit na humanitarian organization na ititigil ang RT-PCR test kung hindi magbabayad ang gobyerno.
But amid on the on-set of the pandemic redcross under you charge testing at astronomical rate for around P4,700 a piece without any discount for senior citizens or persons with disability. Red cross is supposed to be a humanitarian organization, but the government was tracking to sourced fund you threatened to stop testing,″pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino