Niresbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating DFA Secretary Albert Del Rosario kaugnay sa akusasyon nitong inimpluwensyahan umano ng China ang 2016 elections upang ipanalo ang dating Alkalde ng Davao City.
Sa kanyang Talk to the Nation, sinabon ni Pangulong Duterte si Del Rosario at kanya itong inakusahang traydor sa bayan at binantaang kakasuhan.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kalokohan ang paratang ng dating kalihim dahil taumbayan ang nagpasya noong 2016 presidential elections.
Bandang huli ay hinamon ni Pangulong Duterte si Del Rosario na magkita sila saanman at anong oras. —sa panulat ni Drew Nacino