Personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Western Mindanao Command o WesMinCom upang magbigay pugay sa mga labi ng mga nasawi at nasugatang sundalo sa bumagsak na military plane sa Sulu.
Unang pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Camp Navarro General Hospital (CNGH) upang i-gawad ang order of lapu-lapu rank of kampilan sa mga sugatang sundalo.
Matapos nito, nagtungo naman ang pangulo sa Naval Forces for Western Mindanao (NAVFORWEM) at pinangunahan ang paggawad ng order of lapu-lapu, rank of kalasag sa mga nasawing sundalo.
Nangako naman ang pamahalaan na ibibigay ang lahat ng kailangan para sa mga nasawi at nasugatang sundalo.
Sinabi rin ng pangulo na sa ilalim ng kanyang administrasyon, magdadagdag ito ng benepisyo para sa pamilya ng mga military personnel.
Samantala, napaabot ng pasasalamat si Pangulong Duterte sa mga biktimang sundalo dahil maituturing ang mga itong bayani ng bayan.