Nanawagan si Senate Committee on Energy Sherwin Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad magtalaga ng mga acting commissioners sa ERC o Energy Regulatory Commission.
Inihayag ito sa DWIZ ni Gatchalian matapos ipag-utos ng Ombudsman na suspindehin ng isang taon ang apat na commissioners nang upuan lamang nito ang paglalabas ng rules para sa competitive bidding sa pagbili ng kuryente ng MERALCO.
Ayon kay Gatchalian, nangangamba siyang maging sanhi ng malawakang brownout aniya sa buong bansa kung patuloy na mababakante ang naturang mga posisyon.