Dinepensahan ng Palasyo ang ginagawang pag-iikot ni Pangulong Duterte sa kabila ng banta ng COVID-19 Delta variant na itinuturing na mas nakakahawa.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry roque, nakadepende sa kahalagahan ng aktibidad ang pagpunta ng pangulo sa mga lugar at hindi mataas ang kaso ng COVID-19.
Sinabi rin ni Roque na dalawang lugar lamang ang kadalasang pinupuntahan ng Presidente, ito ang Malago Club House sa Malakanyang at ang kanyang tahanan sa Davao City.
Aniya, mariing ipinapatupad rin ang pag-iingat sa mga lakad ng Pangulo o sa tuwang bumibiyahe pa Davao o pabalik ng Maynila.
Magugunitang, dumalo ang Pangulo sa National Assembly ng PDP-Laban sa Pampanga.