Ginawaran ng Honorary Doctorate Degree for Diplomacy si Pangulong Rodrigo Duterte ng Moscow State Institute of International Relations (MSIIR).
Ito ang natatangi at kauna-unahang doctorate degree na tinanggap ng punong ehekutibo sa kabila ng marami nang nag-alok sa kanya nito mula sa ibat-ibang mga bansa kasama na ang Pilipinas.
Kilalang ang MSIIR bilang top university sa Russia na nakatutok lamang sa pagtuturo sa international relations.
Ipinagkaloob ang doctorate degree sa Pangulo kasabay ng ginawa nitong pagsasalita sa nabanggit na Unibersidad kung saan duon din sinasanay ang mga diplomat sa Moscow.
Samantala, nakatakda namang magbalik-bansa ngayong araw si Pang. Duterte mula sa Russia.
Inaasahang darating ng Pilipinas ang Pangulo pasado 1 p.m. mamayahang hapon.
Hindi naman matiyak kung magbibigay ng arrival statement si Pang. Duterte hinggil sa kanyang naging official at working visit sa bansang Russia.