Hindi nakuha ng Pilipinas ang tulong mula sa isang Independent American Aid Agency na Millenum Challenge Corporation (MCC).
Ito’y matapos makakuha ng red mark ang bansa sa MCC’s Fiscal Year 2022 scorecard pagdating sa pagkontrol ng korapsyon kung saan ito ang pangunahing requirement sa pagkuha ng grant.
Bukod dito, bagsak din ang Pilipinas sa mga requirement na access to credit, business start-up, rule of law, freedom of information, health expenditures, primary education expenditures, at immunization rates.
Samantala, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ng Pilipinas ang tulong mula sa ibang dayuhang ahensya.