Tatanggap lahat ng Pinoy athletes na sumali sa Tokyo Olympics ng karagdagang insentibo mula sa pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Duterte sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay tatanggap ng tig P2 milyon mula sa Office of the President.
Habang si Eumir Marcial ay 1 milyon at kapwa boksingero na si Irish Magno at lahat ng Pinoy Olympics ay tatanggap ng P200K bawat isa.
Ayon sa Pangulo, hindi araw-araw ay tumatanggap ang bansa ng karangalan na binigay ng mga atleta.
Sang-ayon sa batas, tatanggap ng 10 milyon ang isang national athletes kapag nakapag-uwi ito ng gintong medalya sa mga olympic games habang limang milyon naman sa silver at 2 milyon sa bronze medalists.—sa panulat ni Rex Espiritu