Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao bilang Associate Justice ng Supreme Court.
Ito’y sang-ayon sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Mababatid na si Dimaampao na ang ikalawang Muslim sa kasaysayan ng Korte Suprema matapos nang maitalagang Associate Justice si Abdulwahid Bidin noong taong 1987.