Seryoso nang ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 National Elections.
Ito ang inamin ng pangulo sa pulong ng PDP-Laban na dinaluhan ng ilan pang opisyal ng partido, kahapon.
Gayunman, nagpahayag ng pangamba si Pangulong Duterte sakaling hindi niya kaalyado ang mananalong pangulo.
Ayon sa punong ehekutibo, kung papalarin siya sa susunod na taon, mahalagang kasundo niya ang sinumang mananalo sa pagka-presidente. —sa panulat ni Drew Nacino