Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo na ito sa pagka-Vice President sa susunod na halalan.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo ang kanyang plano sa eleksyon matapos na sabihin ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo.
Dagdag pa ni Duterte, na tatakbo siya sa pagka-Vice President dahil hindi aniya mananalo ang mga pambato ng oposisyon.
Binigyang-diin pa ng Pangulo na walang nagawang matino ang oposisyon sa sambayanang Pilipino.
Sabi ni mayor Sara Duterte eh hindi siya magtakbo, pero sabi ko magtakbo ako ng Vice President. Unang oposisyon, hindi naman mananalo ‘yang oposisyon na ‘yan, sigurado ako, ‘yung otso-deretsyo ulit na naman ‘yun. Walang pinakita sa Pilipinas eh.
Samantala, pinasaringan din ng Pangulo ang nakaraang administrasyon dahil sa napakamahal na Personal Protective Equipment PPEs na mga binili nito.
Billing ng mga PPE nagbili na ang past administration n’yan, hindi pa kasi ‘yan kasadsaran ng pandemic. They bought it at 3,000 plus, atin… dito we bought it something like 1,700 lang ang bili natin.
Ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang ulat sa bayan.