Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapagtatagumpayan ng bansa ang ikalawang bayanihan, bakunahan campaign na isasagawa sa December 15 hangang December 17.
Kasunod ito ng naitalang 10.2-million doses ng bakuna na naiturok na sa unang bugso ng massive vaccination drive.
Ayon kay duterte, bukod sa pagbabakuna, malaking tulong din sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 ang patuloy na pagsunod ng publiko sa ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan.
Kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay mas magiging masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa gitna ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Angelica Doctolero