Magdedeploy ng mga sundalo at pulis ang pamahalaan para sa may 2022 National Election.
Sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, nais niyang magkaroon ng libre at malayang pagpili sa pagboto ang mga Pilipino sa mga kakandidato para sa 2022 National Election.
Naniniwala din si Pangulong Duterte na magiging maayos ang bilangan sa araw ng eleksiyon at walang magaganap na gulo o panloloko sa bayan.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, pagsusuotin ng uniform ang mga tauhan ng PNP at AFP.
Hindi naman papayagang gumamit ng armas ang mga magbabantay na pulis at sundalo sa eleksiyon at nakadepende ito kung may kaugnayan sa krimen at kung otorisado ng tanggapan ng COMELEC. —sa panulat ni Angelica Doctolero