Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magsasampa ng kasong impeachment laban kina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ayon sa Pangulo, bukod pa ito sa inihaing reklamo ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno dahil sa anito’y pagbili ng mamahaling sasakyan gayundin ang hindi pagsasama sa SALN nito ng kaniyang kinita sa PIATCO bilang pribadong abogado.
Kasunod nito, sinabi ng Pangulo na handa siyang ilabas ang kaniyang bank book sa kundisyong sasabay sa kaniya rito sina Morales at Sereno.
Pagiging selective justice naman ni Morales ang gagamiting batayan ng Pangulo sa pagsasampa niya ng reklamo laban dito dahil sa pagkalkal nito sa mga bank account ng Pangulo gayundin ng unang pamilya.
—-