Mas pabor ang Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng kamara kaysa ng senado sa isyu ng umano’y overpriced medical supplies na binili ng doh.
Sinabi ng Pangulo na walang makukuhang makatuwirang sagot mula sa senado dahil ang imbestigasyon dito ay pinangungunahan ni senador Richard Gordon na tinawag nitong despot at pathological storyteller.
Binabara aniya at pinatitigil ni Gordon sa pagsasalita ang resource persons hanggang dumating sa puntong napapasunod ng senador ang testigo sa teorya nitong may katiwalian sa nasabing isyu.
Taliwas ito ayon sa Pangulo sa sitwasyon sa kamara kung saan malayang magsalita ang mga testigo.