Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na inosente siya sa anumang alegasyon ng katiwalian.
Ito’y sa gitna ng umano’y iregularidad sa COVID-19 response fund ng DOH at pagkakadawit ng kanyang dating economic adviser na si Michael Yang sa pagbili ng overpriced umanong mga PPE, face shield at face mask.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban convention sa San Fernando City, Pampanga, binigyang-diin ni Pangulo na matagal na siya sa pulitika at kabisado na ang mga pasikot-sikot sa pamamahala partikular sa Davao City.
Kung pagbabatayan ang track record, kahit anya isang bahid ng korapsyon ay wala siyang matandaan sa nakalipas na apat na dekada niya sa pagseserbisyo sa taumbayan.
Sabihin ninyong korap, kung nagkorap ako I’ve been to politics for 40 years, bakit ngayon pa, why nakisawsaw ako ng mga procurement diyan. Edi noon pa sana inumpisahan ko na. I’ve been a Mayor for 10 elections, 1 election lang after that, 1 contested election after that wala na akong kalaban. So every election seating pretty na ako, iyan ang history hindi ako nagyayabang,” wika ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino