Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga iligal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Ito’y matapos makarating kay Pangulong Duterte ang ulat na isang nurse ang nasakote dahil sa iligal na pagbebenta ng SINOVAC vaccine sa maynila.
Iginiit ng punong ehekutibo na libre sa lahat ang bakuna kontra COVID-19 at wala pa namang inaaprubahan ang gobyerno para sa commercial use.
Tiyak din anyang mabigat ang kahaharaping kaso ng sinumang mahuhuling nagbebenta o magbebenta ng bakuna.
“This is very alarming we codemn this act we will not allow perpetrators… Ill order any relevant authority to investigate this matter and press charges accordingly let me reiterate to everyone the COVID-19 vaccine given by the government are not for sale they are given to are poor people for free only for the poor but for rich all to have vaccination and the vaccination center kasi kayo mahirapan kayo so do not press your luck to far. You will regret it.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—sa panulat ni Drew Nacino