Pangulong Duterte, nagbabala sa mga LGU na mabibigong agarang makapagbakuna sa kanilang constituents.
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG na patawan ng parusa ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na hindi agarang nagbabakuna sa kanilang nasasakupan.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nais niyang papanagutin ang mga local chief executives na bigong gampanan ang bahagi sa vaccination roll-out sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi rin ng Pangulo na kaniyang inatasan na ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na umasiste sa mga LGU partikular sa pagbyahe ng mga bakuna sa bawat lugar.
Ito aniya ay para maabot ang target na 1 million jabs o higit pa kada araw.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 59 na milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa bansa. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29)