Nagpaliwanag ang Palasyo sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang naging direktiba ng pangulo sa mga barangay official na panatilihin sa kanilang mga bahay ang mga hindi pa bakunado, ay nangangahulugang nang pagpayag sa mga nabakunahan na patuloy na mag trabaho sakaling magkaroon ng lockdown.
Sinabi ni Roque na dahil sa Delta variant ng Coronavirus, mahirap magdeklara ng lockdown dahil ayaw nilang magutom ang mga tao kaya’t ang iniisip ng Pangulo ay pwedeng palabasin ang mga bakunado para mag trabaho kapag nagpatupad ng lockdown.
Binigyang diin ni Roque na bagama’t hindi garantiya ang pagpapa bakuna para hindi tamaan ng COVID-19, katiyakan man ang pagturok ng COVID-19 vaccine para makaiwas sa kamatayan dahil sa nasabing virus.