Nagpasalamat ang Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa pag kumpleto ng donasyong Sinopharm vaccines.
Sinabi ng Pangulo na sinagot ng China ang kakulangan sa supply ng bakuna sa pagdating ng halos 261,000 doses ng Sinopharm vaccines.
Kasabay nito ay binalikan ng Pangulo ang kanyang mga kritiko tulad nina dating DFA Secretary Albert Del Rosario at Dating Senador Antonio Trillnes, IV sa pagpapanatili niya ng magandang relasyon sa China.
Binigyang diin ng Pangulo na walang matatanggap na anumang donasyong bakuna ang Pilipinas mula sa China kung nakinig siya sa kanyang mga kritiko.