Nananatili pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng mga kinahaharap na kritisismo ni duque hinggil sa paghawak nito sa krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Roque, hangga’t hindi pa sinisibak sa puwesto ni Pangulong Duterte ang isang opisyal ng pamahalaan, nangangahulugan itong patuloy pa rin niya itong pinagkakatiwalaan.
Dagdag ni Roque, lahat sila sa gabinete ay nagtatrabaho alinsunod sa kagustuhan ng pangulo na manatili sila sa puwesto.
Samantala, tumanggi naman si roque na sagutin ang lumabas na ulat sa isang pahayagan kung saan sinasabing naghahanap na umano si pangulong duterte ng mga maaaring pumalit kay Duque.
Wala akong alam sa artikulong na iyan, ang pa ulit-ulit kong sinasabi kahit sino po sa gabinete. We all serve for the pleasure of the president, kung nawalan ng tiwala ang presidente anytime or any cabinet member can be removed. ani Roque