Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping na dagdagan pa nito ang puhunan sa Pilipinas.
Ito’y matapos na batiin ng pangulo si Xi sa Centennial Founding Anniversary ng Communist Party of China sa pamamagitan ng Telesummit.
Mababatid na napag-usapan sa naturang Telesummit ng dalawang lider, ang pagpapaigting ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Kabilang dito ang pagpapaigting sa economic cooperation sa larangan ng trade, investment, at infrastructure development para makatulong sa muling pagbangon ng bansa bunsod ng COVID-19.
Bukod dito, ani Duterte, dagdagan pa ng China ang pamumuhunan nito sa bansa partikular sa agriculture, fisheries, it, maging ang science and technology.
Kasunod nito, sinabi ni Xi kay Pangulong Duterte na siya’y nagpapasalamat dito at itinuturing din niyang ‘a good friend and colleague.’
Sa huli, tiniyak ni Xi na magpapatuloy ang suporta nito sa bansa lalo na sa infrastructure at laban ng Pilipinas kontra COVID-19 at mga variants nito.