Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na paglulunsad ng bagong 1,000 pesos polymer banknotes.
Magaganap ito sa Malakanyang sa kabila ng kontrobersiyang ‘glaring errors’ sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design.
Una na itong nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sinabing ang napansing mali ay photo lamang na subject for review.
Kasama sa features ng bagong 1,000 pisong bill ay ang Philippine Eagle na una nang napaulat na papalit sa World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda.
Tiniyak naman ng BSP na hindi made-demonetize ang lumang 1,000 peso bill. —sa panulat ni Abby Malanday