Pinalawig ng Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ng Inter-Agency body na nakatutok sa pagtiyak sa rehabilitasyon ng Boracay hanggang Mayo 8, 2021.
Sa kaniyang direktiba sa pamamagitan ng Executive Order 115 inatasan ng pangulo ang Boracay Inter-Agency Task Force (IATF) na isapubliko ang final report nito hinggil sa accomplishment at kabuuang budget na nagamit nito sa loob ng isang buwan bago ang pagbuwag dito.
Trabaho ng task force na matiyak na ang mga polisiya sa Boracay ay naaayon sa mga kinauukulang batas, rules at regulations, review at pag-consolidate ng mga kasalukuyang master plans at pagbuo sa pakikipag ugnayan sa stakeholders ng action plan para sa isang sustainable tourism development.