Iginiit ng Malakanyang na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang isyu ng kagutuman sa bansa.
Ito ng naging reaksyon ni Acting Spokesperson Martin Andanar kasunod ng lumabas sa SWS Survey na nagsasabing tumaas sa 12. 2% ang mga nagugutom na pamilya.
Ani Andanar, mababa pa din kung tutuusin sa 16% na naitala nuong taong 2020.
Samantala, tiniyak naman ni Andanar na kasama sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtugon sa kagutuman.
Patunay din ito ng ipinalikha niyang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger sa pamamagitan ng Executive Order No. 101 noon pang January 2020.