Kinumpirma ng Malakanyang na ikinokonsidera pa ring tumakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, may mga “unfinished business” o hindi pa natapos na trabaho ang Pangulo tulad ng kampanya kontra iligal na droga at paglaban sa katiwalian sa bansa.
Ngunit una nang sinabi ng Pangulo na tatakbo lamang siya sa darating na halalan kung magiging maganda na ang pagkakataon gayundin ang sitwasyon ng bansa.
Samantala, hindi naman iniaalis ni Pangulong Duterte ani Roque ang posibilidad na maging hadlang sa kaniyang mga hindi pa natatapos na gawain kung maluluklok ang maluluklok sa pagkapangulo ay isang taga-oposisyon. —ulat mula kay Patrol 17 Jopel Pelenio