Tinaningan ng Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa Hunyo 9 ang mga opisyal ng gobyerno para ibigay na ang nararapat na cash assistance sa health workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (BAHO) ang pamilya ng mga nasawing health workers dahil sa COVID-19 ay dapat tumanggap ng P1-M habang P100,000 naman ang dapat ibigay sa sa kada isang health worker na nagkasakit dahil sa nasabing virus.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ibinaba ng pangulo ang Hunyo 9 deadline matapos makarating sa malakaniyang na hindi pa naibibigay ang nasabing cash assistance.
Ipinabatid naman ng Department of Health (DOH) na pino-proseso na ang pamamahagi ng P1-M na death benefit para sa mga nasawing health workers na ang mga pamilya ay nakausap na ng mga otoridad at pinagsusumite na lamang mga kinakailangang dokumento.