Binago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pahayag patungkol sa presidential aspirant na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon sa pangulo, namumuhay ng simple si Bongbong at walang patunay ang alegasyong ill-gotten wealth ng pamilya nito.
Ang pahayag ng pangulo ay malayo sa unang sinabi nito na ‘mahinang lider’ si Marcos.
Muli namang inalala ng pangulo ang pagiging simpleng tao ni BBM noong senador pa ito.
Samantala, muling nanindigan ang pangulo sa kaniyang pahayag na wala siyang i-eendorsong presidential candidate para sa halalan 2022.