Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa magaganap na 38th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit ngayong linggo.
Ayon kay Roque, sa pamamagitan ng online platform, ay dadaluhan ng pangulo ang naturang aktibidad simula ngayong araw, Oktubre 26 hanggang sa ika-28 ng Oktubre, 2021.
Bukod sa sampung bansang nabibilang sa ASEAN, inimbitahan din ang Estados Unidos, Japan, Korea, China, Russia at iba pang bansa.
Samantala, magsisilbi namang host country ang bansang Brunei kung saan, tatalakayin ang mga usapin na may kinalaman sa kalakalan, seguridad, climate change, cultural exchange at iba pang polisiya o interest na kapwa isinusulong ng ASEAN state members. —sa panulat ni Angelica Doctolero