Walang otoridad ang Pangulong Rodrigo Duterte para pigilan ang Commission on Audit (COA) na gawin ang trabaho nitong protektahan ang public funds at isapubliko ang paggastos nito.
Binigyang diin ito ni Congressman Edcel Lagman matapos batikusin ng Pangulong Duterte ang COA sa pagbubunyag nito sa deficiencies ng DOH sa halos P68-B COVID-19 fund nito.
Ayon kay Lagman, ang COA ay Independent Constitutional Agency na hindi accountable sa pangulo ng bansa.
Ang obligasyon aniya ng COA ay ilantad ang mga katiwalian o maling paggamit public funds ng mga ahensya ng gobyerno.