Walang tinutukoy na sinumang kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito ang mga ideal na katangian ng kaniyang magiging successor.
Ayon kay Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban president Alfonso Cusi, wishlist lamang ng Pangulo na maging decisive, may good character, compassionate at isang abogado ang susunod na Pangulo.
Wala aniya itong pinatutungkulang kandidato.
Nabatid na sa sampung kandidato sa pagka-Pangulo, tanging si Vice President Leni Robredo at si Jose Montemayor lamang ang abogado.
Habang sa pagkabise-presidente ay si Davao City mayor Sara Duterte ang abogado.—sa panulat ni Abby Malanday