Nagsagawa ng prusisyon ang mga taga-Quezon City kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño Sabado ng gabi, kahapon.
Nagtipon ang mga mananampalataya sa Diocesan Shrine of Sto. Niño sa Barangay Bago Bantay bandang alas-8 ng gabi para makiisa sa isasagawang religious activity.
Nakasakay sa mga sasakyan ang mga imahe ng Poon habang bitbit naman ito ng ilan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling naidaos ang tradisyunal na gawain magmula nang magkaroon ng pandemya.
Samantala, isa pang prusisyon ang gaganapin sa susunod na linggo ng umaga. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon