Uusad na ang prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno ngayong alas-2:00 ng hapon.
Mula alas-11:00 ng umaga ay sarado na ang southbound lane Quezon Blvd. sa Quiapo, Andalucia Street hanggang Plaza Miranda sa Claro M. Recto at magtatagal ito hanggang alas-9:00 ng gabi.
Sarado rin ang ilang bahagi ng Evangelista sa Espanya, P. Campa at Lerma Streets.
Marami sa mga replica na isinasama sa prusisyon ay nagmula pa sa mga lalawigan.
Matapos ang prusisyon ay isa isang binabasbasan ang mga replica ng Itim na Nazareno.
By Len Aguirre