Dapat iwasan ng mga motorista ang bahagi ng Quiapo sa lungsod ng Maynila bukas, Enero 7.
Ito’y dahil sa isasara ang ilang kalsada sa lugar dahil sa isasagawang prusisyon ng mga replika ng poong Itim na Nazareno mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi, hindi na madaraanan ang southbound lane ng Quezon Blvd. sa Quiapo; Andalucia patungong Plaza Miranda hanggang Claro M. Recto gayundin ang mga kalye Evangelista, Espaniya, P.Campa at Lerma.
Narito naman ang ruta ng prusisyon bukas:
Mula Plaza Miranda, daaraan ito sa Kalye Villalobos; kakaliwa sa Quezon Blvd; kakanan sa Claro M. Recto; kakanan sa Loyola; kakanan sa Bilibid Viejo patungong Puyat St; kakaliwa sa Kalye Guzman o dating Mendoza St.
Kakanan sa Hidalgo; kakaliwa sa Barbosa; kakanan sa Globo de Oro; kakanan sa Villalobos pabalik ng Plaza Miranda.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na magmumula sa Espaniya at Roxas Blvd, Pier South o Taft Avenue na kumanan sa P.Campa patungong Fugoso.
By Jaymark Dagala