Sinuspinde muna ni Fr. Pacifico Nohara ng Basilica Minore Del Santo Niño sa Cebu ang taunang tradisyunal na prusisyon ng Señor Santo Niño sa Cebu City bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Fr. Nohara, bagamat nauunawaan niyang marami ang nagnanais na makita ang Sto. Niño hindi ito maisasagawa ngayong taon.
Aniya, tuloy pa rin naman ang araw-araw na novena masses subalit limitado lamang ang papayagang makadalo.
Paalala naman ni Nohara sa mga dadalo na magdala ng sariling payong, pagsusuot ng facemask at faceshield gayundin ang pagsunod sa mga marka kung saan maaaring manatili at maupo para sa physical distancing. —sa panulat ni Agustina Nolasco