Pinangunahan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga establisyemento na mahaharap sa parusa kung hindi tatanggapin ang Philippine Identification o National ID sa mga transaksyon.
Ito ayon sa PSA ay dahil uubra namang gamitin ang National ID sa mga transaksyon tulad nang pagbubukas ng bank account, money transfer, pag-a-apply sa trabaho at iba pa na nangangailangan ng personal na impormasyon o identification.
Binigyang diin ng psa na sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act maaaring managot ang mga establishment na hindi kikilala sa national ID bilang valid ID.
Ipinabatid ng psa na hanggang nitong May 19 lampas isang milyon na ang nagpa rehistro na para makakuha ng nasabing ID samantalang mahigit 103K IDs na ang hawak ng Philippine Postal Office na siyang magde-deliver ng mga ito sa publiko.