Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga may error sa kanilang birth certificate.
Ayon kay Marizza Grande, Assistant National Statistician ng PSA, hindi na kailangang dumaan sa korte kung may misprint o clerical error sa birth certificate gaya ng maling spelling sa pangalan o maling impormasyon.
Maaring dumulog sa local civil registrar ang mga may problema sa PSA kung saan pwedeng mag file ng petisyon.
Samantala, kailangan lamang dalhin ang kopya ng birth certificate mula sa PSA. —sa panulat ni Jenn Patrolla