Nagbabala sa publiko ang Philippine Statistics Authority kaugnay sa mga phishing scam at mga fixers na nag-aalok ng kanilang serbisyo para sa pagkuha ng Philippine Identification o Philippine ID.
Ayon sa pamunuan ng PSA, huwag basta-basta maniniwala sa mga panloloko ng mga nakakausap online maging sa personal dahil hindi sigurado kung rehistrado ang mga nakukuhang id sa pakikipagtransaksiyon.
Mas mainam parin na magregister nalang online sa www.philsys.gov.ph dahil libre rinmakukuha ang Philippine id ng mga nais magparehistro.
Sakaling maka-encounter ng ganitong pangmomodus ay agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad para mahuli ang mga illegal fixers. – Sa panulat ni Angelica Doctolero