Ipinag-utos na ng Court of Appeals (CA) Ang pagpapalawig sa suspensyon ng 670-megawatt Power Supply Agreement (PSA) Sa pagitan ng Meralco at San Miguel-subsidiary na South Premiere Power Corporation (SPPC).
Sa January 25 resolution, pinabigyan ng C.A. 13th division ang aplikasyon ng SPPC para sa Writ of Preliminary Injunction (WPI) Dahil tatagal lamang ng dalawang buwan ang TRO na inisyu ng Korte noong Nobyembre.
Ang WPI ay isang legal remedy na layuning mapigilan ang anumang “pinsala” sa magkabilang partido bago pag-aralan ang kanilang claims o kaso at i-adjudicate o desisyunan.
Ipinunto ng Appellate Court na may pangangailangan para sa agarang issuance ng WPI upang maiwasan ang matinding pinsala sa SPPC, na “napuwersang ipagpatuloy ang pag-supply ng kuryente sa Meralco para sa kabutihan ng lahat nang hindi man lamang nababawi ang ipinuhunan”.
Kinailangang maglagak ng P100 million bond ang SPPC upang “sagutin ang anumang damages na maaaring matamo ng respondents” dahil sa injunction habang inatasan ang magkabilang partido na pumasok sa negosasyon sa ilalim ng PSA.
Nag-ugat ang desisyon ng CA Sa pagbasura ng Energy Regulatory Commission sa hirit ng San Miguel at Meralco na itaas ang generation charge dahil sa nagmamahal na coal at natural gas na ginagamit upang mapatakbo ang mga plantang nag-poproduce ng kuryente.