Pinag-iingat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa mga Facebook accounts na nagsasabing konektado sa ahensya o Philippine Identification System (PhilSys) at humihingi ng processing fee para sa Step 1 online registration.
Ayon sa PSA, walang bayad o libre ang PhilSys registration habang ang Philippine Identification card naman ay direktang ide-deliver ng PHLPost sa tahanan ng may-ari nito.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang publiko na makipag-ugnayan sa official Facebook page ng PhilSys na fb.com/PSAPhilSysOfficial.
Nabatid na hanggang nitong Mayo 24, mahigit 10 milyon na ang nakatapos ng Step 2 biometrics registration.
Samantala, ayon sa PSA, maaari ring mag-email sa publiko sa kanila sa info@philsys.gov.ph o kaya’y tumawag sa PhilSys hotline 1388.