Halos 17 million National ID cards ang nai-deliver na.
Ito ayon kay PSA OIC Deputy National Statistician Fred Sollesta ay mula sa 21. 6 million printed National ID cards.
Ipnabatid ni Sollesta na posibleng sa katapusan ng taong ito o sa unang bahagi ng 2023 ay magpapalabas sila ng downloadable mobile version ng National ID para magamit na ng publiko.
Sinabi ni Sollesta na masyadong mabilis ang registration na hindi naman natapatan ng backend process dahil sa ilang considerations tulad ng mahigpit na requirements sa ilalim ng procurement process.