Kampante ang Philippine Statistics Authority na makakamit ang target nitong 50 million physical at digital National I.D. cards ngayong taon.
Ayon sa PSA, dumarami ang idini-daspatch na Philippine Identification Cards sa post office para sa delivery nitong third quarter.
Umabot na sa 2.53 million ang idinidispatch na PhilSys ID ng PSA at Bangko Sentral ng Pilipinas noong Setyembre kumpara sa 1.86 million noong Hulyo at 2.24 million noong Agosto.
Nagpasalamat naman si PSA undersecretary Dennis Mapa sa BSP sa walang-sawa nitong commitment upang matiyak na tuloy-tuloy ang produksyon ng card.
Sa 50 million target ngayong taon, 30 million sa mga ito ay physical id cards habang 20 million ay digital versions ng PHILID.