Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng 70 milyong Pilipino sa ilalim ng national ID system hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, nagpapatuloy pa rin ang registration process sa mga lalawigan.
Matatandaang umarangkada ang unang hakbang ng pagpapatala ng mga Pinoy para sa Philippine Identification System noong October 2020 sa 32 probinsya na mababa ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 transmission.
Sinasabing nasa 20 million registrants na ang nakakumpleto ng step 1 ng registration, kabilang ang pangangalap ng demographic data tulad ng pangalan, permanent address, petsa at lugar ng kapanganakan, at blood type.