Tumataginting na 12 milyong pisong halaga ng cash incentives ang nakaabang sa mga Pilipinong atleta na nakasungkit ng medalya sa naganap na 11th ASEAN Para Games sa Indonesia.
Ang nasabing halaga ng pabuya ay ipamimigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang kilalanin ang pagsisikap at karangalang nakamit ng mga Pinoy differently-abled athletes.
Base sa Republic Act No. 10699 o ang Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act, makatatanggap ng 150,000 pesos ang gold medalists, 75,000 pesos naman para sa silver medalists, habang 30,000 pesos sa bronze medalists.
Mababatid na nakapag-uwi ang koponan ng Pilipinas ng 28 ginto, 30 pilak, at 46 na tansong medalya para masungkit ang ika-5 puwesto sa naturang laro.