Pormal nang nagtapos ang South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Naging kinatawan ng Pilipinas sa closing cermony ang National Team Chef De Mission at PSC Commissioner na si Ramon Fernandez.
Kasama ni Fernandez sa closing event kahapon ang kaniyang deputies na sina Carl Sambrano at Pear Managuelod ng rollersports at Muay Thai.
Nanguna naman sa closing ceremony si Vietnam sports, Culture and Tourism Minister Nguyen Van Hung.
Sa huling medal tally, lumagpak sa ika-apat na pwesto ang Pilipinas na may 52 golds, 70 silver, 104 bronze para sa kabuuang 226 medalya.